Josue 19:13-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat Hefer, sa Et Kazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea.

14. Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta El:

15. Lahat ay 12 bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Betlehem.

16. Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun na hinati ayon sa bawat sambahayan.

17. Ang ikaapat na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Isacar.

18. Ito ang mga lungsod na sakop nila: Jezreel, Kesulot, Shunem,

19. Hafaraim, Shion, Anaharat,

20. Rabit, Kishion, Ebez,

21. Remet, En Ganim, En Hada at Bet Pazez.

22. Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Shahazuma at sa Bet Shemesh at nagtatapos sa Ilog ng Jordan – 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.

23. Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar na hinati ayon sa bawat sambahayan.

24. Ang ikalimang pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher.

25. Ito ang mga bayan na sakop nila:Helkat, Hali, Beten, Acshaf,

Josue 19