Josue 19:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang ikalawang pinartihan ng lupa ay ang sambahayan ng lahi ni Simeon. Ang lupain nila ay nasa gitna ng lupaing ibinigay sa lahi ni Juda.

2. Kasama rito ang Beersheba (o Sheba), Molada,

3. Hazar Shual, Bala, Ezem,

4. Eltolad, Betul, Horma,

5. Ziklag, Bet Marcabot, Hazar Susa,

6. Bet Lebaot at Sharuhen – 13 bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito.

7. Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Ashan – 4 na bayan, kasama ang lahat ng mga baryo sa paligid nito,

8. hanggang sa Baalat Beer (na siyang Rama) sa Negev.Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.

Josue 19