Joel 3:19-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

19. “Ang Egipto ay magiging malungkot na lugar at ang Edom ay magiging ilang, dahil pinagmalupitan nila ang mga taga-Juda; pinatay nila ang mga taong walang kasalanan.

20. Pero ang Juda at ang Jerusalem ay titirhan magpakailanman.

21. Ipaghihiganti ko ang mga pinatay sa aking mga mamamayan. Parurusahan ko ang mga gumawa nito sa kanila. Ako, ang Panginoon na nakatira sa Zion.”

Joel 3