Joel 1:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Ang lupain ng Panginoon ay sinalakay ng napakaraming balang. Matalas ang kanilang mga ngipin na parang mga ngipin ng leon.

7. Sinira nila ang mga tanim na ubas ng Panginoon at ang kanyang mga puno ng igos. Nginatngat nila ang mga balat nito hanggang sa mamuti ang mga sanga.

8. Umiyak kayo katulad ng isang dalaga na nakadamit ng sako na namatayan ng binatang mapapangasawa.

9. Sapagkat wala nang butil o inumin na maihahandog sa templo ng Panginoon, kaya nalulungkot ang mga paring naglilingkod sa kanya.

10. Nasira ang mga bukirin na parang taong nagdadalamhati. Nasira na ang mga trigo, at wala na ang katas ng ubas at langis.

11. Kayong mga magsasaka, dapat kayong malungkot! Kayong mga tagapangalaga ng ubasan, umiyak kayo nang malakas! Sapagkat nasira ang aanihing mga trigo at sebada.

Joel 1