1. Ito ang mensahe ng Panginoon na ipinahayag niya kay Joel na anak ni Petuel.
2. Kayong mga tagapamahala ng Juda at ang lahat ng inyong mamamayan, pakinggan ninyo ang sasabihin ko sa inyo. Wala pang nangyari na katulad nito noong kapanahunan ng inyong mga ninuno o sa panahon ninyo ngayon.
3. Kailangang isalaysay ito sa bawat henerasyon ng inyong lahi.
4. Sunud-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwan na tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim.