4. Marunong at makapangyarihan ang Dios. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay?
5. “Walang anu-anoʼy pinauuga niya ang mga bundok at natitibag ito sa tindi ng kanyang galit.
6. Niyayanig niya ang lupa at ang mga pundasyon nito ay nauuga.
7. Kapag inutusan niya ang araw o ang mga bituin, hindi ito sisikat o magbibigay ng liwanag.
8. Tanging siya lang ang nakapaglalatag ng langit at nakapagpapatigil ng alon.
9. Siya ang manlilikha ng grupo ng mga bituin na tinatawag na Oso, Orion, Pleyades, at mga bituin sa katimugan.
10. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain at bilangin.
11. Kapag dumadaan siya sa tabi ko, hindi ko siya nakikita o nararamdaman.
12. Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya?
13. Hindi pinipigil ng Dios ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ng dragon na si Rahab ay yumuyukod sa takot sa kanya.