20. Kahit na wala akong kasalanan, paparusahan pa rin ako dahil sa mga sinabi ko.
21. Kahit na wala akong kapintasan, wala na itong halaga sa akin ngayon. Kinamumuhian ko na ang aking buhay.
22. Pareho lang naman ang kapalaran ng matuwid at masama. Lahat sila ay mamamatay.
23. Kapag biglang namatay sa kalamidad ang matuwid, natatawa lang siya.
24. Ipinagkatiwala niya ang mundo sa masasama. Tinatakpan niya ang mata ng mga hukom para hindi sila humatol ng tama. Kung hindi siya ang gumagawa nito, sino pa kaya?
25. “Madaling lumipas ang mga araw sa buhay ko; mas mabilis pa ito kaysa sa mananakbo. Lumilipas ito nang walang nakikitang kabutihan.
26. Dumadaan ito na kasimbilis ng isang matuling sasakyang pandagat o ng agilang dumadagit ng pagkain.
27. Kahit tumigil na ako sa pagdaing at pagdadalamhati at akoʼy ngumiti na,
28. nananaig pa rin sa akin ang takot sa mga paghihirap na maaaring dumating sa akin. Dahil alam kong hindi niya ako ituturing na walang kasalanan.
29. Yaman din lamang na itinuring na niya akong may kasalanan, wala nang halaga na ipagtanggol ko pa ang aking sarili.
30. Kahit sabunan ko pa ang aking buong katawan para luminis,
31. ilulubog pa rin niya ako sa maputik na hukay, upang kahit ang sarili kong damit ay ikahiya ako.