Job 9:13-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Hindi pinipigil ng Dios ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ng dragon na si Rahab ay yumuyukod sa takot sa kanya.

14. Kaya papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa Dios? Ano ang mga salitang maaari kong gamitin para makipagtalo sa kanya?

15. Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Dios na aking Hukom.

16. Kahit hilingin kong magkausap kami at pumayag siya, hindi pa rin niya ako pakikinggan.

17. Sapagkat pinapahirapan niya ako na parang sinasalanta ng bagyo, at dinadagdagan pa niya ang paghihirap ko nang walang dahilan.

18. Halos malagot na ang aking hininga dahil sa paghihirap na idinulot niya sa akin.

19. Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya?

Job 9