10. Pakinggan mo sila, at sasabihin nila sa iyo ang kanilang nalalaman.
11. “Hindi mabubuhay ang halamang tubig kung walang tubig.
12. Mamamatay iyon kahit na pasibol pa lang at hindi pa panahong putulin.
13. Ganyan din ang kahihinatnan ng lahat ng taong tumatalikod sa Dios. Ang kanyang pag-asa ay mawawala.
14. Ang lahat ng inaasahan at pinagtitiwalaan niya ay kasinrupok ng sapot ng gagamba.
15. Kapag sinandalan ito, agad nalalagot; dumidikit ngunit mahina ang kapit.
16. Kung titingnan parang mabuti ang kalagayan niya, parang tanim na sagana sa dilig at sikat ng araw. Yumayabong ito sa buong hardin
17. at kumakapit ang mga ugat nito sa mga bato.
18. Pero kapag nabunot na ito, hindi na pinapansin.
19. Ganyan ang wakas ng buhay niya, at may tanim na tutubong muli sa lugar na kanyang tinubuan.
20. “Ang totoo, hindi itinatakwil ng Dios ang taong matuwid at hindi niya tinutulungan ang taong masama.
21. Patatawanin ka niyang muli, at pasisigawin sa kagalakan.