4. Sapagkat para akong pinana ng Makapangyarihan na Dios ng panang nakakalason, at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang nakakatakot na pana ng Dios ay nakatusok na sa akin.
5. Wala ba akong karapatang dumaing? Kahit asnong-gubat at baka ay umaatungal kapag walang damo.
6. Ang tao namaʼy nagrereklamo kapag walang asin ang kanyang pagkain, lalo naʼt kung ang kakainin ay puti lang ng itlog.
7. Ako man ay wala ring ganang kainin iyan, para akong masusuka.
8. “Nawaʼy ibigay ng Dios sa akin ang aking kahilingan. Matanggap ko na sana ang aking hinahangad,
9. na bawiin na lang sana ng Dios ang aking buhay.