Job 6:22-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Pero bakit? Humingi ba ako ng regalo sa inyo? Nakiusap ba ako na tulungan ninyo ako mula sa inyong kayamanan,

23. o iligtas sa kamay ng aking mga kaaway?

24. Hindi! Ang pakiusap ko lamang ay sabihin ninyo sa akin ang tamang sagot sa nangyayari sa akin, at tatahimik na ako. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang nagawa kong pagkakamali.

25. Hindi baleng masakit ang sasabihin ninyo bastaʼt iyon ay totoo. Pero ang ibinibintang ninyo sa akin ay hindi totoo at hindi ninyo mapatunayan.

26. Gusto ninyong ituwid ang mga sinasabi ko, dahil para sa inyo, ang aking sinasabi bilang desperadong tao ay walang kabuluhan.

27. Bakit, kayo baʼy matuwid? Nagagawa nga ninyong ipaalipin ang isang ulila, o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan!

28. Tingnan ninyo ako. Sa tingin ba ninyoʼy magsisinungaling ako sa inyo?

29. Tigilan na ninyo ang paghatol sa akin, dahil wala akong kasalanan.

30. Akala ba ninyo ay nagsisinungaling ako, at hindi ko alam kung ano ang tama at mali?

Job 6