4. Ang mga anak niyaʼy walang malalapitan at wala ring magtatanggol sa kanila sa hukuman.
5. Ang ani niyaʼy kakainin ng iba. At kahit ang mga bungang nasa tinikan ay kukunin ng mga taong gutom. Ang kayamanan niyaʼy aagawin ng mga taong uhaw sa mga ari-arian.
6. Ang kahirapan at kaguluhan ay hindi tumutubo sa alikabok o lupa.
7. Likas sa tao ang gumawa ng kahirapan at kaguluhan, tulad ng alipatong mula sa apoy na lumilipad paitaas.
8. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Dios. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalagayan.
9. Sapagkat gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin.
10. Nagpapadala siya ng ulan sa mundo at pinatutubigan niya ang mga bukirin.
11. Itinataas niya ang mga nagpapakumbaba at kinakalinga ang mga nagdadalamhati.
12. Sinisira niya ang plano ng mga mandaraya, para hindi sila magtagumpay.