Job 41:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “Job, mabibingwit mo kaya ang dragon na Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid?

2. Matatalian mo ba ng lubid ang ilong niya o mailalagay mo kaya ang kawil sa kanyang panga?

3. Kapag nagawa mo iyon, makikiusap kaya siyang lagi sa iyo na pakawalan mo siya, o di kayaʼy magmakaawa siya sa iyo?

4. Makikipagkasundo kaya siya sa iyo na magpapaalipin habang buhay?

5. Magagawa mo kaya siyang parang alagang ibon o maibibigay mo ba siya sa iyong mga anak na babae para kanilang laruin?

6. May negosyante kayang bibili sa kanya at hihiwa-hiwain siya para ipagbili?

7. Tatalaban kaya ng matulis na sibat ang kanyang ulo o balat?

8. Kapag hinawakan mo siya, maaalala mo kung gaano ito kahirap hulihin at masasabi mong hinding-hindi ka na uulit.

9. Walang saysay ang mga pagsisikap na hulihin siya, dahil makita mo pa lang siyaʼy maduduwag ka na.

16-17. Sobrang dikit-dikit na ito na kahit ang hangin ay hindi makakalusot at walang makakatuklap nito.

Job 41