5. Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.”
6. Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo,
7. “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.
8. “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama?
9. Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin?
10. Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila.
13. Ilibing mo silang lahat sa lupa, sa lugar ng mga patay.
14. Kapag nagawa mo ang mga ito, ako ang pupuri sa iyo at tatanggapin ko na may kakayahan ka ngang iligtas ang iyong sarili.
15. “Tingnan mo ang hayop na Behemot, nilalang ko rin siya katulad mo. Kumakain ito ng damo na tulad ng baka,