Job 40:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi pa ng Panginoon kay Job,

2. “Makikipagtalo ka ba sa akin na Makapangyarihang Dios? Sinasabi mong nagkamali ako. Ngayon, sagutin mo ako.”

3. Kaya sinagot ni Job ang Panginoon,

4. “Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa inyo. Tatahimik na lang po ako.

5. Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.”

6. Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo,

7. “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.

8. “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama?

11-12. Ipakita mo ang matindi mong galit sa taong mayayabang at ibagsak sila. Wasakin mo ang taong masasama sa kanilang kinatatayuan.

Job 40