Job 4:8-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Ayon sa aking nakitaʼt nalaman, ang mga taong gumagawa ng kasamaan at kaguluhan, kasamaan at kaguluhan din ang kanilang kahahantungan.

9. Sa isang bugso lamang ng galit ng Dios, mapapahamak sila.

10. Kahit na silaʼy tulad ng malakas at mabangis na leon, tatanggalin pa rin ang kanilang mga ngipin.

11. Mamamatay sila dahil sa gutom at ang mga anak nila ay mangangalat.

12. “May sinabi sa akin nang palihim. Ibinulong ito sa akin

13. sa pamamagitan ng panaginip. Gabi iyon habang ang mga taoʼy mahimbing na natutulog.

14. Natakot ako at nanginig ang buo kong katawan.

15. May espiritu na dumaan sa aking harap at tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako.

Job 4