Job 4:10-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Kahit na silaʼy tulad ng malakas at mabangis na leon, tatanggalin pa rin ang kanilang mga ngipin.

11. Mamamatay sila dahil sa gutom at ang mga anak nila ay mangangalat.

12. “May sinabi sa akin nang palihim. Ibinulong ito sa akin

13. sa pamamagitan ng panaginip. Gabi iyon habang ang mga taoʼy mahimbing na natutulog.

14. Natakot ako at nanginig ang buo kong katawan.

15. May espiritu na dumaan sa aking harap at tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako.

16. Huminto ito, pero hindi ko gaanong maaninag. At may narinig akong mahinang tinig na nagsasabi,

17. ‘Mayroon bang taong matuwid o malinis sa paningin ng Dios na kanyang Manlilikha?

18. Kung mismong sa mga anghel na lingkod niya ay hindi siya lubusang nagtitiwala, at nakakakita siya ng kamalian nila,

19. di lalo na sa taong nilikha lamang mula sa lupa, na madaling pisain katulad ng gamo-gamo!

Job 4