1. Nagsalita si Elifaz na taga-Teman. Sinabi niya,
2. “Magagalit ka ba kung magsasalita ako? Hindi ko na kayang manahimik.
3. Noon, pinapayuhan mo ang maraming tao na magtiwala sa Dios, at pinalalakas ang mahihina at nanlulupaypay.
4. Ang mga salita moʼy nagpalakas sa kanila at umalalay sa mga nanghihina.
5. Pero ngayong ikaw na ang dumaranas ng kahirapan, tila ikaw ang nanghihina at naguguluhan.
6. Hindi baʼt kapag may takot ka sa Dios at namumuhay ka ng matuwid, magdudulot ito sa iyo ng tiwalaʼt pag-asa?
7. “Ngayon, isipin mong mabuti. May tao bang matuwid at walang kasalanan na napahamak?