17. Sapagkat hindi ko siya binigyan ng karunungan at pang-unawa.
18. Pero kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito.
19. “Job, ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng kanyang kiling?
20. Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagpapatakot sa mga tao kapag siya ay sumisinghal?
21. Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay tumatakbo siya papunta sa digmaan.
22. Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada.
23. Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya.
24. Lumilipad ang alikabok sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hindi na siya mapigilan kapag tumunog na ang trumpeta.
25. Sumisinghal siya kapag naririnig ang trumpeta. Naaamoy niya ang digmaan kahit sa malayo, at naririnig niya ang ingay ng digmaan at ang sigaw ng mga kumander.
26. “Ikaw ba ang nagtuturo sa lawin na lumipad at pumunta sa timog?
27. Ikaw ba ang nag-uutos sa agila na lumipad at gumawa ng kanyang pugad sa mataas na dako?
28. Nakatira ang agila sa mataas na bato. Ang matarik na lugar ang kanyang taguan.
29. Mula roon naghahanap siya ng madadagit, kahit ang malayo ay naaabot ng kanyang paningin.
30. At kapag may nakita siyang bangkay ay pinupuntahan niya, at ang dugo nito ang iniinom ng kanyang mga inakay.”