Job 39:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-gubat? Nakakita ka na ba ng usa na nanganganak?

2. Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak?

3. Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak.

4. Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik.

5. “Sino ang nagpalaya sa asnong-gubat?

6. Ibinigay ko sa kanya ang ilang para kanyang tirhan, pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan.

7. Lumalayo siya sa maingay na bayan at ayaw niyang siya ay mapaamo.

8. Paikot-ikot siya sa mga kabundukan para maghanap ng sariwang pastulan.

Job 39