35. Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap? Mapapasunod mo kaya ito?
36. Sino ang nagbibigay ng karunungan at pang-unawa ng tao?
37. Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap? Sinong makakapagbuhos ng tubig mula sa langit
38. upang ang mga tuyong alikabok ay maging buo-buong putik?
39. “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon para sila ay mabusog
40. habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy?
41. Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa akin?