19. “Alam mo ba kung saan nanggaling ang liwanag at dilim?
20. At kaya mo ba silang pabalikin sa kanilang pinanggalingan?
21. Oo nga pala, alam mo ang lahat ng ito dahil ipinanganak ka na bago pa likhain ang mga ito at matagal na panahon ka nang nabubuhay!
22. “Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo?
23. Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan.
24. Alam mo ba ang daan patungo sa lugar na pinanggagalingan ng kidlat, o sa lugar na pinanggagalingan ng hanging silangan?
25. Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo?