Job 38:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkatapos, sinagot ng Panginoon si Job mula sa ipu-ipo, sinabi niya,

2. “Sino ka na nag-aalinlangan sa aking karunungan? Ang mga sinasabi moʼy nagpapatunay lang na wala kang nalalaman.

3. Humanda ka. Sagutin mo ang aking mga tanong.

4. “Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin.

5. Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito?

Job 38