1. “Kumakabog ang dibdib ko dahil sa bagyo.
2. Pakinggan ninyo ang dumadagundong na tinig ng Dios na parang kulog.
3. Pinakikidlat niya ang buong kalangitan at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo.
4. Pagkatapos ay maririnig ang dagundong ng kanyang tinig na parang isang kulog. Hindi niya ito pinipigilan.
5. Kagila-gilalas ang dumadagundong na tinig ng Dios. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na hindi natin kayang unawain.
6. Inuutusan niya ang yelo na pumatak sa lupa, ganoon din ang ulan na bumuhos nang malakas,
7. para ang taoʼy makapagpahinga sa kanilang mga ginagawa at makapagbulay-bulay sa mga ginawa ng Dios.
8. Nagtatago ang mga hayop sa kanilang mga taguan at nananatili roon kapag may bagyo.
9. Dumadating ang bagyo at ang hanging malamig mula sa kanilang taguan.
10. Sa pamamagitan ng hininga ng Dios nabubuo ang yelo, at nagiging yelo ang malalawak na bahagi ng tubig.