Job 36:21-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Mag-ingat kaʼt huwag gumawa ng masama. Pinahihirapan ka para makaiwas sa kasamaan.

22. “Alalahanin mong ang Dios ay tunay makapangyarihan. Walang guro na katulad niya.

23. Walang makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin, at walang makapagsasabing nagkamali siya.

24. Huwag mong kalimutang purihin ang kanyang mga ginawa gaya ng ginagawa ng iba sa kanilang pag-awit.

25. Nakita ng lahat ang kanyang mga gawa, kahit tinitingnan ito mula sa malayo.

Job 36