1. Nagpatuloy pa si Elihu,
2. “Pagtiyagaan mo pa ako ng kaunti, dahil may sasabihin pa ako para ipagtanggol ang Dios.
3. Marami akong nalalaman at papatunayan ko sa iyo na ang Dios na lumikha sa akin ay tama.
4. Tinitiyak ko sa iyong hindi ako nagsisinungaling, dahil ako na kausap moʼy tunay na marunong.
5. “Makapangyarihan ang Dios, pero wala siyang hinahamak. Nalalaman niya ang lahat ng bagay.
6. Hindi niya pinapayagang mabuhay ang masama, at ang mga inaapi ay binibigyan niya ng katarungan.