1. Sinabi pa ni Elihu,
2. “Akala mo baʼy tama ka sa pagsasabing wala kang kasalanan sa harap ng Dios?
3. Pero tinatanong mo rin, ‘Anong pakinabang ko kung akoʼy hindi gagawa ng kasalanan?’
4. “Sasagutin kita pati na ang iyong mga kaibigan.
5. Tumingin ka sa langit at tingnan mo kung gaano kataas ang ulap.
6. Kung magkasala ka, hindi iyon makakaapekto sa Dios, kahit patuloy ka pang magkasala.
7. Kung matuwid ka, ano naman ang kabutihang maibibigay nito sa Dios?