Job 34:27-37 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Ginawa niya ito dahil tumigil sila ng pagsunod sa kanya, at binalewala ang kanyang pamamaraan.

28. Inaapi nila ang mga dukha, at narinig ng Dios ang paghingi ng mga ito ng tulong.

29. Pero kahit na tumahimik ang Dios at magtago, walang sinuman ang makapagsasabing mali siya. Ang totoo, binabantayan ng Dios ang tao at mga bansa,

30. para patigilin ang pamumuno ng mga hindi makadios, na siyang bitag na pipinsala sa mga tao.

31. “Job, bakit ayaw mong lumapit sa Dios at sabihin sa kanya, ‘Nagkasala po ako, pero hindi na ako magkakasala pa!’

32. o, ‘Sabihin nʼyo sa akin ang kasalanan ko. Kung nagkasala ako, hindi ko na ito muling gagawin.’

33. Papaano sasagutin ng Dios ang kahilingan mo kung hindi ka magsisisi? Ikaw ang magpapasya nito at hindi ako. Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang pasya mo.

34. “Ang mga taong marunong at may pang-unawa, na nakikinig sa akin,

35. ay makapagsasabing ang mga sinasabi mo Job ay kamangmangan at walang kabuluhan.

36. Dapat ka ngang lubusang subukin dahil nagsasalita kang gaya ng masamang tao.

37. Dinadagdagan mo pa ang kasalanan mo dahil sa paghihimagsik mo sa Dios. Minamasama moʼt kinukutya ang Dios sa harap namin.”

Job 34