Job 33:11-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’

12. “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao?

13. Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao?

14. Ang totoo, palaging nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao.

15. Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi.

16. Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila.

17. Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas,

18. at para mailigtas sila sa kamatayan.

Job 33