1. “Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo.
2. Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila.
3. Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman.
4. Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay.
5. Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako.
6. Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa.
7. Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita.