1. “Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo.
2. Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila.
3. Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman.
4. Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay.
5. Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako.
6. Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa.
7. Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita.
8. “Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong,
9. ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama.
10. Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway.
11. Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’
12. “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao?
13. Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao?
14. Ang totoo, palaging nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao.