1. “Ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ako titingin nang may pagnanasa sa isang dalaga.
2. Sapagkat anong igaganti ng Makapangyarihang Dios na nasa langit sa mga ginagawa ng tao?
3. Hindi baʼt kapahamakan at kasawian para sa mga gumagawa ng kasamaan?
4. Alam ng Dios ang lahat ng aking ginagawa.
5. Kung nagsinungaling man ako at nandaya,
6. hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako.
7. Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili,
8. masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba.
9. Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa,
10. kunin nawa at sipingan ng ibang lalaki ang asawa ko.
11. Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa.
12. Iyan ay parang mapamuksang apoy na uubos sa lahat ng aking kabuhayan.
13. “Kung hindi ko pinahalagahan ang karapatan ng aking alipin nang dumaing sila sa akin,
14. anong gagawin ko kung hatulan ako ng Dios? Anong isasagot ko kung tanungin niya ako?
15. Hindi baʼt ang Dios na lumikha sa akin ang siya ring Dios na lumikha sa aking mga alipin?