Job 30:23-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Alam kong dadalhin nʼyo ako sa lugar ng mga patay, ang lugar na itinakda para sa lahat ng tao.

24. “Tiyak na wala akong sinaktang taong naghihirap at humihingi ng tulong dahil sa kahirapan.

25. Iniyakan ko pa nga ang mga taong nahihirapan, at ang mga dukha.

26. Ngunit nang ako naman ang umasang gawan ng mabuti, masama ang ginawa sa akin. Umasa ako ng liwanag pero dilim ang dumating sa akin.

27. Walang tigil na nasasaktan ang aking damdamin. Araw-araw paghihirap ang dumarating sa akin.

28. Umitim ang balat ko hindi dahil sa init ng araw kundi sa aking karamdaman. Tumayo ako sa harap ng kapulungan at humingi ng tulong.

29. Ang boses koʼy parang alulong ng asong-gubat o huni ng kuwago.

30. Umitim ang balat koʼt natutuklap, at inaapoy ako ng lagnat.

31. Kaya naging malungkot ang tugtugin ng aking alpa at plauta.

Job 30