18. Doon, ang mga bihag ay nagpapahinga rin at hindi na nila naririnig ang sigaw ng taong pumipilit sa kanila na magtrabaho.
19. Naroon ang lahat ng uri ng tao, tanyag man o hindi. At ang mga alipin ay malaya na sa kanilang amo.
20. “Bakit pa pinapayagang mabuhay ang taong nagtitiis at nagdurusa?
21. Nagnanais silang mamatay pero hindi pa rin sila namamatay. Hangad nila ang kamatayan ng higit pa sa isang taong naghahanap ng nakatagong kayamanan.
22. Mas sasaya sila kapag namatay na at nailibing.
23. Bakit kaya niloob pa ng Dios na mabuhay ang tao nang hindi man lamang pinapaalam ang kanyang kahahantungan?
24. Hindi ako makakain dahil sa labis na pagdaramdam at walang tigil ang aking pagdaing.
25. Ang kinatatakutan koʼy nangyari sa akin.
26. Wala akong kapayapaan at katahimikan. Wala akong kapahingahan, pawang kabagabagan ang nararanasan ko.”