10. Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap.
11. “Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina.
12. Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina?
13. Kung namatay na sana ako noon, tahimik na sana ako ngayong natutulog at nagpapahinga
14. kasama ng mga hari at mga pinuno ng mundo na nagtayo ng mga palasyo na giba na ngayon.
15. Nagpapahinga na rin sana ako kasama ng mga pinuno na ang mga tahanan ay puno ng mga gintoʼt pilak.
16. Mas mabuti pang akoʼy naging katulad ng mga batang patay na nang ipinanganak at hindi na nakakita ng liwanag.
17. Doon sa lugar ng mga patay, ang masama ay hindi na gumagawa ng kasamaan at ang mga pagod ay nagpapahinga na.