Job 3:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na isinilang siya.

2. Sinabi niya,

3. “Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak.

4. Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Dios sa langit ang araw na iyon.

5. Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan.

6. Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo.

7. Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasayahan noon.

Job 3