Job 29:7-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Kapag pumupunta ako sa pintuang bayan at sumasama sa mga pinuno ng lungsod sa tuwing may pagpupulong sila,

8. tumatabi ang mga kabataang lalaki kapag nakita nila ako, at ang matatandaʼy tumatayo para magbigay galang sa akin.

9. Tumatahimik kahit ang mga pinuno

10. at ang mararangal na tao kapag nakikita nila ako.

11. Pinupuri ako ng mga taong nanonood o nakikinig sa aking pagsasalita.

12. Sapagkat tinutulungan ko ang mga dukhang humihingi ng tulong at mga ulilang walang malapitan.

13. Binabasbasan ako ng mga taong nag-aagaw buhay na aking tinulungan, at umaawit sa galak ang mga biyuda na aking natulungan din.

14. Palagi kong ginagawa ang tama at matuwid; para itong damit at turban na aking isinusuot.

15. Naging parang mata ako sa taong bulag at paa sa pilay.

16. Naging parang ama ako sa mga dukha, at kahit ang mga dayuhan ay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin.

Job 29