Job 29:15-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

15. Naging parang mata ako sa taong bulag at paa sa pilay.

16. Naging parang ama ako sa mga dukha, at kahit ang mga dayuhan ay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin.

17. Winasak ko ang kapangyarihan ng masasamang tao at iniligtas ko ang mga biktima nila.

18. “Ang akala koʼy hahaba pa ang buhay ko, at mamamatay na kasama ang aking sambahayan.

19. Sapagkat ang katulad ko nooʼy matibay na punongkahoy na umaabot ang mga ugat sa tubig at laging nahahamugan ang mga sanga.

20. Palagi akong malakas at pinupuri ng mga tao.

21. Kapag nagpapayo ako, tumatahimik ang mga tao at nakikinig nang mabuti.

22. Pagkatapos kong magsalita, hindi na sila nagsasalita dahil nasisiyahan na sila sa mga sinabi ko.

23. Pinanabikan nila ang mga sasabihin ko tulad ng pagkasabik nila sa pagdating ng ulan. Gusto talaga nila akong mapakinggan.

24. Halos hindi sila makapaniwala kapag ngumiti ako, dahil ang masayang mukha koʼy nagpapalakas sa kanila.

25. Tulad ng isang pinuno, tinuturuan ko sila kung ano ang dapat gawin. Pinamumunuan ko sila tulad ng haring namumuno sa kanyang mga kawal. At inaaliw ko sila kapag silaʼy nalulungkot.

Job 29