5. Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy.
6. Ang mga bato roon ay may mga safiro at ang mga alikabok ay may ginto.
7. Ang mga daan patungo roon ay hindi makita ng mga ibon, kahit ng ibong mandaragit.
8. Hindi rin ito nadaanan ng mga mababangis na hayop o ng leon.
9. Hinuhukay ng mga tao kahit na ang pinakamatigas na bato sa ilalim ng bundok.
10. Hinuhukay nila ang bundok para hanapin ang ibaʼt ibang uri ng mamahaling bato.
11. Hinahanap din nila ang mga ito sa mga ilog.
12. “Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa?
13. Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa.
14. Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat.
15. Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak.
16. Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro.
17. Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas.
18. Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi.