13. Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa.
14. Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat.
15. Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak.
16. Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro.
17. Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas.
18. Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi.
19. Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto.
20. “Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa?
21. Walang nilalang na makakakita nito kahit na ang mga ibon.
22. Kahit na ang lugar ng kapahamakan na siyang lugar ng mga patay, sabi-sabi lang ang kanilang nalaman tungkol dito.
23. Dios lang ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang karunungan.
24. Sapagkat nakikita niya kahit ang pinakamalayong bahagi ng mundo at ang lahat ng nasa ilalim ng langit.
25. Noong pinalakas niya ang hangin, at sinukat kung gaano karaming ulan ang dapat bumuhos,