Job 28:12-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. “Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa?

13. Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa.

14. Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat.

15. Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak.

16. Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro.

17. Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas.

18. Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi.

19. Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto.

20. “Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa?

Job 28