Job 28:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto.

2. Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa, at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato.

3. Gumagamit ng ilaw ang mga tao para madaig nila ang kadiliman sa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa.

4. Humuhukay sila ng daanan sa minahan, sa dakong walang taong nakatira at dumadaan. Bumababa sila sa pamamagitan ng mga nakalaylay na lubid.

5. Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy.

6. Ang mga bato roon ay may mga safiro at ang mga alikabok ay may ginto.

7. Ang mga daan patungo roon ay hindi makita ng mga ibon, kahit ng ibong mandaragit.

Job 28