1. “May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto.
2. Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa, at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato.
3. Gumagamit ng ilaw ang mga tao para madaig nila ang kadiliman sa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa.
4. Humuhukay sila ng daanan sa minahan, sa dakong walang taong nakatira at dumadaan. Bumababa sila sa pamamagitan ng mga nakalaylay na lubid.
5. Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy.