Job 27:6-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensya habang akoʼy nabubuhay.

7. “Parusahan nawa ng Dios ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao!

8. Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Dios kung bawiin na ng Dios ang kanyang buhay?

9. Didinggin kaya ng Dios ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan?

10. Matutuwa kaya siya sa Makapangyarihang Dios? Tatawag kaya siya sa kanya sa lahat ng oras?

11. “Tuturuan ko sana kayo ng tungkol sa kapangyarihan ng Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga pamamaraan niya.

12. Pero alam na pala ninyo ang lahat ng ito. Kaya bakit pa kayo nagsasalita sa akin ng walang kabuluhan?

13. “Ito ang kapalaran na itinakda ng Makapangyarihang Dios sa taong masama at malupit.

Job 27