Job 27:16-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. “Kahit mag-ipon ng maraming pilak at damit ang masamang tao,

17. hindi rin siya ang makikinabang nito. Ang matutuwid at walang kasalanan ang magsusuot ng kanyang mga damit at ang maghahati-hati sa kanyang mga pilak.

18. Ang itinatayo niyang bahay ay magiging kasinrupok ng sapot ng gagamba o kayaʼy silungan ng tagapagbantay sa bukid.

19. Matutulog siyang mayaman pero paggising niyaʼy wala na ang kanyang kayamanan.

20. Darating sa kanya ang takot na parang rumaragasang baha at tatangayin siya ng ipu-ipo pagsapit ng gabi.

21. Tatangayin siya ng hangin na mula sa silangan at mawawala siya sa kanyang tirahan.

22. Walang awa siyang tatangayin nito habang pinipilit niyang makatakas.

23. May mga papalakpak at susutsot sa kanya para mangutya, dahil wala na siya sa kanyang tinitirhan.

Job 27