1. Nagpatuloy sa pagsasalita si Job,
2. “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buhay na Dios na nagkait ng katarungan at nagdulot sa akin ng sama ng loob.
3. Habang akoʼy may hininga at pinapahintulutan niyang mabuhay,
4. hindi ako magsasalita ng masama at kasinungalingan.
5. Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa rin na wala akong kasalanan hanggang sa mamatay ako.
6. Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensya habang akoʼy nabubuhay.
7. “Parusahan nawa ng Dios ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao!