Job 23:12-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya ng higit pa sa pang-araw-araw na pagkain ko.

13. “Pero malaya ang Dios na gawin ang nais niyang gawin; walang sinumang makahahadlang sa kanya.

14. Kaya gagawin niya ang binabalak niyang gawin sa akin, at marami pa siyang planong gagawin sa akin.

15. Kaya natatakot ako sa kanya. At kapag iniisip ko ito, lalo akong natatakot.

16. Pinanghihina ako at tinatakot ng Makapangyarihang Dios.

17. Pero hindi ako tumigil sa pagdaing kahit na para akong nababalutan ng kadiliman.

Job 23