3. Matutuwa kaya ang Makapangyarihang Dios kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo?
4. Sinasaway ka at hinahatulan ng Dios hindi dahil may takot ka sa kanya,
5. kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan mo at walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan.
6. Walang awa mong kinukuha ang damit ng iyong kapwa bilang garantiya sa kanyang utang sa iyo.
7. Hindi mo binibigyan ng tubig ang nauuhaw at hindi mo rin binibigyan ng pagkain ang nagugutom.
8. Ginagamit mo ang iyong kapangyarihan at kadakilaan sa pangangamkam ng lupa.
9. Kapag humihingi sa iyo ng tulong ang mga biyuda, pinauuwi mo silang walang dala. Pinagmamalupitan mo pa pati ang mga ulila.
10. Iyan ang mga dahilan kung bakit napapalibutan ka ng patibong at dumarating sa iyo ang biglang pagkatakot.
11. Iyan din ang mga dahilan kung bakit nadiliman ka at hindi nakakita, at inaapawan pa ng baha.