Job 22:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkatapos, sumagot si Elifaz na taga-Teman,

2. “May maitutulong ba ang tao sa Dios, o kahit ang taong marunong?

3. Matutuwa kaya ang Makapangyarihang Dios kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo?

4. Sinasaway ka at hinahatulan ng Dios hindi dahil may takot ka sa kanya,

5. kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan mo at walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan.

6. Walang awa mong kinukuha ang damit ng iyong kapwa bilang garantiya sa kanyang utang sa iyo.

7. Hindi mo binibigyan ng tubig ang nauuhaw at hindi mo rin binibigyan ng pagkain ang nagugutom.

8. Ginagamit mo ang iyong kapangyarihan at kadakilaan sa pangangamkam ng lupa.

Job 22