Job 21:18-29 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. Bihira nilang maranasan ang mapalayas tulad ng ipa na tinatangay ng malakas na hangin.

19. Sinasabi ninyo na kapag hindi sila parurusahan ng Dios ang mga anak nila ang parurusahan. Pero sa ganang akin, ang nagkasala ang siyang dapat parusahan ng Dios para maranasan nila

20. at makita ang kanilang kapahamakan. Matikman sana nila ang galit ng Makapangyarihang Dios.

21. Kapag patay na sila, hindi na nila malalaman ang mga nangyayari sa kanilang sambahayan.

22. “Matuturuan ba ng tao ang Dios, na siya ngang pinakamataas na hukom?

23. May mga taong namamatay sa gitna ng kasaganaan at panatag na kalagayan,

24. at malusog na pangangatawan.

25. May mga tao ring namamatay sa kahirapan, at hindi nakaranas ng kahit kaunting kaginhawahan sa buhay.

26. Pero pareho rin silang ililibing sa lupa at kakainin ng mga uod.

27. “Alam ko kung ano ang nasa isip ninyo. Alam ko kung ano ang binabalak ninyo laban sa akin.

28. Sasabihin ninyo sa akin ang tungkol sa mga taong mayaman na nawasak ang tahanan dahil sa kanilang kasamaan.

29. Pero tanungin mo ang mga dumadaan at pakinggan ang sinasabi nila. Sapagkat sasabihin nila sa inyo na

Job 21